You are viewing bhanali

anna_lies

Recent Entries

4/10/09 06:00 am - lulalulalulalu

Siguro dapat pinapatay ko na ang ilaw sa kwarto, alas sais na kasi at natatabunan na ng sikat ng araw ang flourescent. Pero sa bagay, nagtatago rin naman ang araw sa mga ulap kaya kahit papaano, may silbi pa rin ang ilaw. Hindi ko naman intensyong magdaldal tungkol sa ilaw at araw, sa kung alin ang mas nananaig o kung ano ang una kong tatakasan: papatayin ang ilaw o ipipikit ang mga mata.

tsunamis, oil spill, mansanas, tsuper. saan ba hinuhugot ang mga ito?Collapse )
Tags:

2/24/09 06:45 am - Pagsambang Bayan: Muling pagtatanghal ng isang klasikong dula sa Pilipinas






NOONG Agosto 1977, isang dulang lantarang kontra sa batas militar ang itinanghal sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Palibhasa'y limang taon na, kampante ang diktador na si Marcos na ang kanyang rehimeng militar ay hindi na matitinag. Ngunit heto ngayon ang isang di-inaasahang dula, naghahamon.

"Bago pa man ang opening night," ayon kay Dr. Doreen Fernandez sa Palabas:  Essays on Philippine Theater History (Ateneo de Manila University Press, 1996), "bulung-bulungang 'matapang'  ang dula, kaya dapat na mapanood agad, dahil malamang na ipagbawal ng militar. Ang unang gabi ay sakbibi ng pananabik – dulot ng panganib, ngunit higit pa, ang pananabik na masabi nang halos diretsahan ang mga hindi masabi-sabi sa nakaraang limang taon."

Apaw sa tao ang Wilfrido Ma. Guerrero Theater, masidhi ang kapaligiran. Sa kalagitnaan ng palabas, heto na ang masigabong palakpakan, ang hiyawan ng "Katotohanan!," "Katarungan!," at "Kalayaan!" na dumagundong sa madlang  nakasumpong ng kapangahasan.

"Ang Pagsambang Bayan" ay kinikilala ngayon bilang kauna-unahang dula noong batas militar na humamon sa diktadura sa isang paraang hindi pinangahasan ng anumang obrang panteatro. Sa kabila ng lahat ng hadlang, binusisi nito ang mga isyung bawal ungkatin, gaya ng pagpatay sa kalayaan at demokrasya, garapalang pagyurak sa mga karapatang pantao at pagkawala ng dignidad ng tao, korapsyon sa gobyerno at walang hanggang katakawan ng mga nasa poder.

Ngayon, 32 taon matapos unang ipalabas ng UP Repertory Company ang "Pagsambang Bayan" – ito ay ipinalabas ulit noong 1981 at 1984 ng UP Rep din – heto na naman.

Bakit "Pagsambang Bayan" ulit?

Inawit ng kilalang American singer-songwriter na si Bob Dylan, at tama naman, na "the times, they are a-changin'."  Totoo, pagkarami na ngang nagbago sa paglipas ng panahon. Ngunit pagkarami din ang hindi nagbago, gaya ng pagpatay sa kalayaan at demokrasya, garapalang pagyurak sa mga karapatang pantao at pagkawala ng dignidad ng tao, korapsyon sa gobyerno at walang hanggang katakawan ng mga nasa poder.

Bukod sa layuning maipakita sa kasalukuyang henerasyon ang isang historical play, ipinapaunawa ng Tag-ani Performing Arts Society na ang mga nangyayari ngayon ay ang siyang noon pa'y kasawian nating lahat, sa kabila ng mga Edsa at pag-iiba-iba ng mga administrasyon. Pinapayagan ng isang malupit na siklo ang pagpapatuloy ng isang sistemang mapang-api at mapagsamantala na mambiktima sa sambayanan habang walang kahihiyang naglalako ng huwad na pag-asa ng isang diumano'y mabuting bukas. Ang muling pagtatanghal ng "Pagsambang Bayan" ay isang pagkakataon para sa kritikal na pagninilay-nilay ng noon at ngayon, at para din sa mapanlikhang bahaginan at pag-uugnay ng mga artista at manonood hinggil sa mga nagbabagang isyung pambayan.

Higit sa simpleng pagbuhay ng isang lumang obra, layon ng muling pagtatanghal ng "Pagsambang Bayan" na maisadula sa kasalukuyang henerasyon kung paanong ang teatrong Pilipino ay tumugon sa tungkuling panlipunan nito sa isa sa pinakamadilim na yugto ng ating kasaysayan. Layunin nitong muling pagtibayin ang obligasyon ng teatrong Pilipino hindi lamang para magkomentaryo sa tinatawag na human condition ngunit para makamit ang kaganapan ng potensyal ng pagkatao ng ating sambayanan.

Pambihirang anyo ng sining, mapangahas na nilalaman

Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson sa aklat na Tuklas-Sining (Cultural Center of the Philippines, 1991), ang "Pagsambang Bayan" ay nagbigay ng bagong kahulugan sa pinakalumang dramang tradisyonal sa Pilipinas, ang misang Kristiyano.

At misa nga ang nabubuhay sa dulang ito na binalangkas ayon sa order of worship ng liturhiyang Kristiyano. Samantalang matapat na nakalapat sa tradisyonal na misa, ang mga tauhan ng "Pagsambang Bayan" ay matapang na nagpapahayag at naglalabas ng mga isyu, kung kaya nagsusulong ng aksyon. Isinasagawa rin ang mga ritwal ng misa ngunit humahantong sa maraming twist, pinakanakakagulat ang paghuhubad ng pari ng kasuotang pangsimbahan, at maging ng sandalyas, at ang pagbibigay sa kanya ng tuwalyang-manggagawa at itak-magsasaka. Sagisag iyon ng pagtanggap ng simbahang Kristiyano sa ultimong hamong panlipunan at pakikiisa sa taumbayan sa kanilang pakikibaka para sa isang makatarungan at makataong lipunan.

Ilan pang tala

Sinulat ni Bonifacio P. Ilagan matapos ang kanyang detensyon, ang "Pagsambang Bayan" ay nagwagi sa Palihang Aurelio Tolentino noong 1976. Una itong idinirihe ni Leo Rimando at itinanghal sa Hongkong sa Ingles. Ang mga orihinal na pagtatanghal sa Pilipinas ay idinirihe ni Behn Cervantes para sa UP Repertory Company. Marami ding produksyon ang ginawa sa labas ng Metro Manila. Hanggang noong 1984, higit na sa 100 ang naging pagtatanghal nito sa pamamagitan ng iba't ibang grupo.

Muling nagtatambalan sina Ilagan at Cervantes upang bigyan ng bagong timpla ang isang klasikong dula sa produksyon ng Tag-ani Performing Arts Society, sa tulong ng National Commission for Culture and the Arts; at ng UP Rep sa bersyon sa UP Diliman.

Ang dula ay naisa-antolohiya na sa iba't ibang aklat sa Pilipinas at ibang bansa. Sa CCP Encyclopedia of Philippine Art, ito ay isang mayor na obra ng  dulaang Pilipino na halimbawa ng anyong pansining na pinaging-makabuluhan at napapanahon bunga ng krisis ng lipunan.

At habang namamayani ang krisis ng Pilipinas, maggugumiit ang "Pagsambang Bayan." pinoyweeklyonline

 __________________


Ang "Pagsambang Bayan," klasikong dulang kontra-batas militar ni Bonifacio P. Ilagan, ay muling itinatanghal ng Tag-ani Performing Arts Society kaugnay ng February Arts Month na pinangungunahan ng National Commission for Culture and the Arts.

Ang national tour nito ay sisimulan ng dalawang palabas sa 7 PM, 25-26 Pebrero February 2009, sa Bahay ng Alumni, University of the Philippines sa Diliman, Quezon City, kasama ng UP Repertory Company.

Ang unang pagtatanghal sa probinsya ay sa pagtataguyod ng Workers' Assistance Center.  Ang palabas ay gaganapin sa 4 PM at 7 PM, 28 Pebrero 2009, sa Emilio Aguinaldo College Auditorium sa Dasmariñas, Cavite.

Si Behn Cervantes ang direktor.    

 

Para sa mga booking, mangyaring kontakin ang Tag-ani Performing Arts Society: : e-mail tag_ani@yahoo.com; mobile 0920-9461975 / 0922-8010792; telefax 9305236.

2/5/09 12:49 am - (chummy lang)

Kapag may bago akong bet, ang gusto ko na una niyang malalaman ay ang tungkol sa MTRCB ID ko. Ibuibuild up ko ng maraming mga magagandang pelikula, sabay banggit na "buti na lang libre!" Ang kasunod niyan, siyempre, maamaze yung tao tapos magpapalibre.

Ayos na. Libreng date.

Namimiss ko na ang libreng sine. Nakakapressure ang pebrero. Charot.
Nangungulila na ako sa mga bagay na masarap tawanan at mga bagay na nagpapadive ng puso at nagpapalambot ng tuhod.

Ay wait, sa bagay, naramdaman ko rin naman pala ang ganoon kahapon, pero matapos mahuli ng pulis, mahablot at mapalo ang kamay habang nagaganap ang US Embassy mob laban sa imperyalismo at sa patuloy na pagpapasailalim at pagsalo ng Pilipinas sa krisis nito. Absurdo lang talaga kasi imperyalismo naman ang kinakalaban namin pero bakit kapwa Pilipino ang humaharap sa amin kasama ng dahas. Nakakagalit lang talaga.

Nagtalambuhay sharing kami kanina kasama ng ilan sa mga kandidato para sa local council. Siyempre di naman ako tatakbo kaya andun lang ako para makinig. Nainggit lang siguro ako sa ilang minutong center of attention kaya ito ako ngayon, nagiindulge in self-talk.
Tags:

1/15/09 10:09 pm - College editors may file complaint vs QCSHS for suspending pupils over blog

01/15/2009 | 03:52 PM

 

MANILA, Philippines — The College Editors Guild of the Philippines (CEGP) is considering filing a complaint against officials of the Quezon City Science High School (QCSHS) for suspending four students who posted a blog criticizing its principal.

 

The CEGP tagged the decision to penalize the students with a 10-day suspension as "campus repression."

 

CEGP national president Vijae Alquisola said the group would probably file the complaint on behalf of the students at the Department of Education (DepEd) and the Congress.

 

"It is disturbing to learn that high school students, in their very young age, are being subjected to this kind of campus repression, their right to freedom of speech and expression undermined," Alquisola said in a statement.

 

Instead of punishing the students, the school officials should have encouraged the youth’s views as blogging "is a mere venue for students to air out their demands and democratic rights," Alquisola said.

 

CEGP's remark came following decision of the QCSHS to suspend the four students over a blog entry that allegedly criticized the school administration, particularly its principal Dr. Zenaida Sadsad.

 

The 10-day suspension was approved by the Quezon City Schools Division, a television report aired over GMA News 24 Oras Wednesday said.

 

Sadsad said the blogs against them was not just damaging to them but to the school's reputation as well. She added that the blog entry caused alarm among their alumni.

 

On top of that, Alquisola also chided the QCSHS for the alleged closure of the school’s official publication. He said the suspension reportedly brought on the closure of QCSHS' school publications - "The Electron" and "The Banyuhay."

 

CEGP also called on the Education Department to "intervene in the overkill of disciplinary measures."

 

On Wednesday, DepEd Undersecretary Franklin Sunga on Wednesday warned educators’ against being "onion-skinned" in the face of criticism.

 

He said educators should bear in mind the constitutional right of every person, including the students, to freedom of speech and expression.

 

Alquisola acknoledged Sunga's statement, but said: "It falls short of acting on the injustice done to the students."

 

CEGP said the emotional, social, and psychological effects of the suspension on the students should be studied.

 

"It must surely be a blow to the young ones to be humiliated and treated in such a way," Alquisola said. "It also sends a wrong and chilling message to other students that in high school, freedom of speech and expression are not recognized."

- Aie Balagtas See, GMANews.TV

(copied from Leon's Site)

12/8/08 08:33 pm - University Convocation (Dec. 11, 1-5 PM, No Classes)

The USC encourages all iskolar ng bayan to attend the University Convocation this Thursday, December 11 at the School of Economics Auditorium, from 1:00 to 5:00 PM. The USC has asked Chancellor Cao to suspend classes Thursday afternoon to encourage students to take part and be involved in the assembly.

To be discussed are important campus issues, from updates on the campaigns for Student Demands (regarding free use of university facilities, dormitory issues, lab fee increases, etc.) to the crucial Student Regent Selection Process Referendum. Resolutions will also be drafted regarding the aforementioned issues. All UP students are strongly encouraged to take part in these crucial endeavors.

The USC shall be providing attendance stubs for students whose professors may require them to acquire proof of attendance. Regardless, we hope everyone attends.

12/8/08 09:24 am - CINE VERITAS 2008

Everyone is invited to join in on the events. There will be a "march for human rights" right before the festival opening on Tuesday, 09 December.


CINE VERITAS Human Rights Festival this December


The UP Film Institute, with the Cine Veritas Group*, invites you to be a part of the 2008 Cine Veritas Human Rights Festival on December 9-12, 2008 at the UPFI Cine Adarna, Videotheque and Ishmael Bernal Gallery. 

This four-day festival aims to promote human rights awareness through various multi-media/-format activities organized by the participating groups. The conduct of this year’s event goes beyond its film festival program. It includes cultural presentations and educational discussions in an effort to broaden viewer’s understanding of human rights and update them with the current state of it in our country.

Entrance to all activities and screenings are for free, except for the musical play. Details below.

The complete program line up is as follows:

 

 CINEVERITAS 2008 PROGRAM

Dec. 9

10am = Ang Mga Lorena musical play / press conference @ the Cine Adarna

3pm = Engkwentro Exhibit Opening @ the UPFI lobby

          Assembly for the Veritas March

4pm = Veritas March (UP academic oval)

5:30pm = Festival Opening Ceremony

            = FACT Sheet exhibit opening

7:30pm = Film screening (Economic, Social and Cultural Rights films) @ the Videotheque

             City for Sale (SIPAT, Philippines)

             Daangbakal (TUDLA Productions, Philippines)

             Lakbayan (Mayday Productions, Philippines)

             Kung Balatan ang Bawang (Jewel Maranan/TUDLA Productions,  Philippines)

4:30, 6pm = Film Screening: Kurap @ the Videotheque

 

Dec. 10

10am = Film showing: Puting Ilaw (Aiza Peñafiel, Philippines)

            Migrant Worker’s Rights Forum @ the Cine Adarna

12nn-2pm = Film screening (International People’s Struggle) @ the Cine Adarna

                   The Cu Chi Channels (Mickey Grant; Vietnam Friendship Grant Ltd., Vietnam)

                   Venezuela Boliviariana People and Struggle of the Fourth World War

                  (Marcelo Andrade Arreaza/ Calle Y Media, Venezuela)                

5-7pm = Film screenings (International People’s Struggle Batch 2) @ the Videotheque

             Iraq for Sale: The War Profiteers (Robert Greenwald/Brave New Films, Iraq)

7pm = Human Rights Forum @ the Ishmael Bernal Gallery

6:30, 8pm = Film Screening: Kurap @ the Videotheque

 

Dec. 11

2pm, 7:30pm = Ang Mga Lorena musical play

4:30pm-6pm = film screenings (Political and Civil Rights…) @ the Videotheque

                      Sa Ngalan Ng Tubo (TUDLA Productions, Philippines)

                      Mendiola (SIPAT, Philippines)

                      PP1017: An Ode to Democracy (KODAO Productions, Philippines)

                      Lunes ng Hapis (Nick Olanka, Philippines)

6pm = film premiere, screenings (STEX productions, Philippines) and

           forum by STEX @ the Ishmael Bernal Gallery

          Rights 1, Rights 2

          Magtanggol, Makibaka

          Premiere of Detinidong Pulitikal

6:30, 8pm = Film Screening: Kurap @ the Videotheque

 

Dec. 12

3pm = Forum @ the Ishmael Bernal Gallery

4:30-6:30pm = film screenings @ the Videotheque

                        with the courtesy of the Embassy of Japan

                      Megumi (animation, Japan)

                      Abduction (documentary, Japan)

7pm= Cultural Night @ the Ishmael Bernal Gallery and Perfumed Garden

 

* Cine Veritas Group is composed of the UP Film Institute, UP Diliman Student Council, Southern Tagalog Exposure, Sine Patriyotiko, Artists’ Arrest, Ugnayan ng Nagkakaisang Artista, TUDLA Productions, Art March, KANLUNGAN, SINAGBAYAN, KODAO Productions, Rainbow Rights Project, Mayday Productions, Commission on Human Rights, UP Sining at Lipunan, and People’s Caravan for Truth, Justice.

Powered by LiveJournal.com